Ang guro para sa akin ay isang bayani,
Bayaning hindi napapagod magturo sa amin
Isang bayaning nagsasakripisyo ng lakas para sa amin
Kahit kami’y pasaway at makukulit na parang bulilit
Sila’y nagsisilbing pangalawang ina
Ina na nagturo sa atin kapag tayo’y nasa eskwela
Parang ina na mapagkailanga at mapagkumbaba
Ina na mapagmahal at may malasakit sa mga anak niya
Kami’y nagpapasalamat ng marami aming guro
Sapagkat kami’y tinuturuan niyo ng buong puso
Tinuruan niyo kaming maging mabuti at totoo
At tinuruan niyong magmahal ng buong puso
Madalas namin kayong hindi pinapakinggan
Madalas naming sinusuway ang inyong mga aral at payo
Kami’y magsusumano, patawarin niyo kami aming guro
Sana’y hindi kayo mapagod sa amin
At hindi kayo susuko sa amin
Sa mga pagtuturo at pagpapaalala ninyo
Sa kabutihin at sa mga magagandang aral
Nais namin kayong batiin aming guro
Pagkat nalalapit na ang mga araw niyo
Maagang pagbati ng “Malagiyang araw ng mga Guro”
Aming guro, saludo kami sa inyo!
Mahal kong guro,
Di ko malilimutan lahat ng iyong itinuro
Mga payo mong gumising sa aking pagkatao
Na tumagos sa aking puso
Ika’y aking nanging pangalawang magulang
Malasakit at pagmamahal mo’y aking ramdam
Kahit ako’y pasaway, dahil sa mura kong edad
Hindi ka parin nagsawang hasain ang aking abilidad
Ikaw ang nagsakripisyo,
Para turuan ang batang tulad kong matigas ang ulo
Ikaw ang napagod at naghirap
Pero kailanman wala kaming narinig na reklamo
Palagi mong pinapaalala,
Dapat gawin naming lahat ng aming makakaya
Huwag naming hayaang masira,
Ang kinabukasang gusto naming matamasa
Alam kong hindi sapat,
Ang maraming pasasalamat
Sa lahat ng pagod at sakripisyo,
Na iyong inalay para mapabuti kami ng ganito
Naging parte ka ng buhay ko
Dahil sa walang humpay na kabutihan na iyong itinuro
Lubos ang pasasalamat ko aking mahal na guro
Na nagbigay kulay sa madilim kung mundo
Mag uumpisa ako sa salitang salamat,
Salamat sa mga araw na kayo’y nanjan
Para kami’y inyong pangaralan at payuhan
Dahil sainyo kami’y nag alab
Pasensiya at pagmamalasakit ang na naig
Kahit sa araw araw sakit ng ulo ang aming hatid
Di ko mawari ng lubusan aking guro
Sadyang napaka mabuti mong tao
Sa oras ng klase sinisikap niyo kaming turuan
Kahit minsa’y kami’y hindi intersado
Binibigay niyo padin ang inyong makakaya
Para kami lang ay matuto
Dahil sainyo, kami nag alab
Nangarap , nagsumikap para maka ahon sa hirap
Balang araw makakamit namin lahat ng pangarap
Dahil sa inyong tulongpara kami’y mapaunlad
Karapat dapat ka sa lahat ng papuri at parangal
Pagkat tapat kang manglingkod sa bayan
Kaya naman sa araw ng mga guro
Gusto ko kayong pasalamatan ng lubusan
PREPARED BY: GROUP 6
0 Comments