INIIROG NAMING MGA GURO

Isa sa pinakamahirap na propesyon ang pagiging isang guro
dahil sa sikap na pinapakita niyo sa dami ng estudyanteng tinuturoan nyo
kayo’y nagpapakahirap para mahubog lang ang aming kaalaman
tungo lang sa aming pangarap at magandang kinabukasan
kaya kayo’y aking hinahangaan dahil sa laki ng sakripisyo sa bayan

iniirog namin kayong mga guro
kahit sa iyong klase kami ay tuliro
pasaway man minsan
pag kamiy iyong pinagalitan
parang kuhol na binatokan

kaya kahit kamiy iyong parusahan
hindi parin maaalis ang pagmamahal dahil kamiy iyong tinuturoan
masakit man ang iyong binibitawan
alam naman namin sa likod nitoy kami iyong pinapangaralan
mahal namin kayo kahit kamiy iyong pinapagalitan


Magulang, ina, ama sa bahay at sa paaralan
Ilaw at haligi ng tahanan ay ang pundasyon tungo sa maraming kaalaman
Moral at intelektwal na pagkalinang
Sa inyo namin nalaman, hinubog at kayoy aming pinasasalamatan
Damdamin namin ay gumagaan sa twing nakikita kayong nasisiyahan

Kayo ang nagbigay gabay sa aking buhay
Ang naging tulay upang makamit ang mga mithiin sa buhay
Hinasa ang ating isipan
Hinubog tayo ng husto para sating kinabukasan
Bilib ako sa haba ng inyong pasensya
Matuto lang kami sa kong ano ang mali at tama
At dahil sa inyo, kami nag-alab,
Nagsumikap, nangarap, nagpumilit umahon sa hirap
Nag-asam ang bawat isa na kayoy maging katulad
Inspirasyon namin kayo sa buhay at pag unlad
Hindi namin nakakalimutan ang mga sakripisyong inyong linantad

Maraming maraming salamat sa inyo,
Aming guro, titser, maam o maestro.
Dahil binigyan nyo ng patutunguhan ang buhay ko
Kahit sakit man sa ulo ang hatid namin sa inyo,
Wag kalilimutan mahal na mahal namin kayo!

SALAMAT AKING GURO
MAHAL NAMIN MGA GURO
LUBOS KAMING NAGPAPASALAMAT SA IYONG PAGTUTURO
ISA KAYO SA MGA NAGING INSTRUMENTO
UPANG KAMI AY MATUTO AT MAGING MATALINO
DUMATING KAYO SAMING BUHAY
UPANG MAGING PANGALAWANG INA AT AMA
SA ARAW-ARAW NA PAGPASOK SA SKWELA
KAYO ANG LAGI NAMING KASA-KASAMA
NAGBIBIGAY KAALAMAN, PARA SAMING PANGARAP
NAGBIBIGAY SAGOT SA AMING KATANUNGAN
OH, AMING GURO KAYO ANG GABAY TUNGO SA MAGANDANG BUHAYMGA PAYO NINYO AY WALANG KAPANTAY

SALAMAT PO SA INYONG PASENSYA
SALAMAT PO SA INYONG MGA PAALALA
PATAWAD PO DAHIL KAMI AY MAKUKULIT
KAYA IKA’Y NAGAGALIT
BALANG ARAW KAYO AY BABALIKAN
UPANG LUBOS NAMING PASALAMATAN
DAHIL BINIGYAN NINYO NG KATUPARAN
MGA PANGARAP NA GUSTONG MAKAMTAN

       AKING MGA GURO
NAGSIMULA SA ELEMENTARYA
NA HANGGANG SA KOLEHIYO
ANDYAN KAYO PARA TULUNGAN
TULUNGAN UPANG MAABOT ANG AMING
MAKAKAYA
MAKAKAYANG MAGING MATAGUMPAY
AT NAGSIMULA DITO SA
SA MGA LOKONG ESTUDYANTE NA
DAPAT PAKISAMAHAN
DAPAT INTINDIHIN
DAPAT TURUAN NG MABUTING ASAL
AT HIGIT SA LAHAT
DAPAT MAHALIN 
  
SA BAWAT PAGSUBOK NANDUN SILA
 NANDUN SILA NA SUMUSUPORTA
SUMUSUPORTA UPANG MAABOT ITO
AT UPANG MAPAGTAGUMPAYAN
PARA SA HINAHARAP
AT NAGSIMULA DITO SA 

SA BAWAT BATA DAPAT ITONG MALAMAN
MALAMAN NA NAGHIHIRAP DIN ANG MGA GURO
NA KINAKAYA NILA SA BAWAT GABI
GABI NA MARAMING PAPELES ANG  KATABI

PAPELES NADAPAT TAPOSIN KAYA
NAGPAPASALAMAT KAMI DAHIL
KAYO ANG NAGING PANGALAWANG MAGULANG
PANGALAWANG MAGULANG NA MINAMAHAL KAMI KAHIT  MAKULIT KAMI
PANGALAWANG MAGULANG NA
NAGBIBIGAY ARAL SA  AMIN
AT HIGIT SA LAHAT

PANGALAWANG MAGULANG NA NAG MAMAHAL SA AMIN

SALAMAT AMING MGA GURO
GURONG BINIGYAN KAMI NG PAG ASA
PAG ASA PARA MAABOT AMING MAKAKAYA
PARA SA HULI AY MAPAGTAGUMPAYAN
SALAMATA AMING MGA GURO
AMING MGA GURO.AMING MGA BAYANI

PREPARED BY: GROUP 3