Mumunting Sisidlan
Sa isang sisidlan
Tumubo at namuro ng kaalaman
Sa bawat batang nais makaalam
Sa kaniyang ginintuang nalalaman
Siya’y naghatid ng sari saring nalalaman
Bunga sa kaniyang mga kaalaman
Namunga at tumubo ng walang pag aalinlangan
Sakripisyo mo’y akin ding masusuklian
Pagdating ng panahon
Ika’y muling aking babalikan at pasasalamatan
Pagmamahal na iyong ipinadama
Paghihirap na iyong dinanas
Pagsasakripisyo at ang iyong mahabang pasensya
Pagbigay payo sa bawat kamalian
Lahat ng yan ay aking naramdaman
Sa isang sisidlan
Tumubo at namuro ng kaalaman
Sa bawat batang nais makaalam
Sa kaniyang ginintuang nalalaman
Siya’y naghatid ng sari saring nalalaman
Bunga sa kaniyang mga kaalaman
Namunga at tumubo ng walang pag aalinlangan
Sakripisyo mo’y akin ding masusuklian
Pagdating ng panahon
Ika’y muling aking babalikan at pasasalamatan
Pagmamahal na iyong ipinadama
Paghihirap na iyong dinanas
Pagsasakripisyo at ang iyong mahabang pasensya
Pagbigay payo sa bawat kamalian
Lahat ng yan ay aking naramdaman
Pano nalang kami?
Kung walang tagaturo at tagapayo
Pano ang hakbang ng buhay naming
Kung wala ang isang katulad niyo
Tagumpay ko’y sayo lamang nakasalalay
Bunga sa iyong mga nalalaman
Ang isang sisidlan nabuo ang kaalaman
Tumubo at nakamit ang nais makamtan
Sa hirap at sakripisyo niya’y nagwagi
Nakatanggap ng sertipiko’t nagkaroon ng
marangal na trabaho.
Oh Aking Guro!
Ang tulang ito ay iyaalay ko sa aking Guro
Handang magturo, Umulan man o bumagyo
Hindi sumusuko na kahit kami ay maingay at magulo
Laking pasasalamat po namin sa sakripisyong binibigay pag kayo ay nagtuturo
Tatanawin po naming utang na loob , Oh aking Guro
Kayo ang nagsilbing ikalawang magulang namin
Na laging nanjan para sa amin
Hindi nagsasawa sa mga ugali namin
Handang handa parin magbigay kaalaman sa amin
Guro naming kailanma’y hindi nagsawa sa paggabay sa amin
Maraming salamat sa walang hanggang pagtuturo
Kahit na minsa’y kami ang dahilan ng pagsakit ng iyong ulo
Na nagiging dahilan ng iyong pagkahilo
Pagsakit ng mga tuhod sa maghapong nakatayo
Pero heto ka parin sa harap namin habang nagtuturo
Hinding hindi naming makakalimutan ang lahat
Dahil sa inyo napuno ang kaalaman ko
Dahil
sa inyo alam ko na kung sa ano ang tama o mali
Dahil sa inyo na naging hakbang ng pagtupad ng pangarap ko
At dahil sa inyong mga sakripisyo
Salamat sa walang sawang pagtuturo
Salamat sa walang hanggang paggabay at pagbigay payo
Salamat at namulat ako sa mundong kinagagalawan ko
Salamat ng buong puso
Salamat Oh Aking Guro!
Gabay sa Pangarap
Guro ang nakasalalay sa lahat
Guro ang patnubay sa mga pangarap
Guro ang sanhi sa magandang kinabukasan
Guro ang tagapangalaga sa lahat
Guro ang may pinakamapangyarihan sa lahat
Buhay ay iyong binibigyang kulay
Kaalaman ay unti unting nahuhulma
Ang mga bakit? Unti unting nakukuha ang sagot
Bawat kamalian , unti unting naitatama
Ang lahat ng to, binigyang diin at pansin
Sa iyong pagbigay impormasyon
Pangaral at pagbigay payo
Bawat paghihirap at pagsasakripisyo
Mga pananakit ng ulo na unti unti nang nahihilo
Lahat ng to ay iyong nararanasan pero lahat ng
to ay masusuklian
Ikaw ang ilaw at gabay ko sa buhay ko
Dedikasyon sa trabaho ay mayroon ka
Ikaw ay may angking tiyaga
Ang hirap ay hindi inaalintana
Inspirasyon ka sa aming mga bata
Salamat sa dala at hatid na impormasyon
Gabay at sakripisyo
Pangaral at mga payo
At mula sa kinatatayuan ko
Ako’y napuno na ng aral na ngmula sa inyo.
Mga tulang makakapagpalambot ng puso ng mga guro! Tulang hindi makakalimutan ng kahit na sino! Tulang alay naming sa tulay sa matagumpay na buhay.
Prepared By: Group 9
0 Comments