Maestro


Araw na normal sa iba

    Pero espesyal na sa kanya

Nagbigay ng mga salita

    Nakapangyayari’t ang aral

     ay dinadakila


At kahit mahirap ay iyong kinakaya

Gumigising ng madilim pa at uuwi’y gabi na

Sa halip na ika’y magpahinga

Inihahanda ang sarili para sa bagong kabanata


Maaring  isang taon lang ang ating pagsasama

Ngunit pakaintindihan niyong higit dito ang maalala

                                                                    
Punla ng aking Guro


Mananatili kang nakakintal  sa aking puso’t isipan


At iyong pakatandaan ika’y mananatiling huwaran

At sa mga buwan ng tayo’y magsasama
Sa lahat ng ibibigay niyong saya
at aruga
At sa mga aral na makukuha
Tatanawin kong utang na loob sapagkat ito’y sobrang halaga


Tula para Kay Guro
Maestro sobrang pagmamahal
at pasasalamat
Kahit ang tula ko’y medyo salat
Ngunit aking maestro maari
mang ito’y payak
Asahan pagdating ng panahon susundan ko ang iyong yapak


PREPARED BY: GROUP 1