MUNTING
ALAY PARA SAIYO
Sa kalayua’y nakikita na
Bigat ng hakbang na kanyag dala
Paano nga ba’t ito ang kanyang tadhana
Ang harapin ang mga estudyanteng di kilala.
Madalas man naming pinapainit ang ulo niyo
Pinapakila na ang estudyante’y walang
respeto
Ngunit kayo ay aming iniidolo
Dahil ang pasensya’y abot dulo.
Sa bawat bigkas na lumalabas sa labi,
Ang katumbas nito’y di lang salpi,
Kundi maaliwalas na kinabukasan na kanilang
sinasabi.
Kayo ang dahilan kung bakit kami narito
Nang dahil sa inyo’y kami ay nagkatuto
Kaya’t para sa amin kayo ang numero uno.
Dugo, pawis, at luha ang inaalay
Kaya’t ang pasasalamat sa kanila’y walang
humpay.
Bilang pangalawang magulang namin
Kayo ang aming gagalangin
Sasalubungin ng mahalimuyak na hangin
At sabay sasabihin,
“Kayo ang susi ng kinabukasan namin”.
GURO
ANG PANGALAWANG MAGULANG KO
Guro ang nagsilbing pangalawang magulang
ko,
Mga natututunan ko ay dahil lahat sa inyo
Bawat turo niyo ay tumatatak sa isip ko,
Dahil dito kami ay natuto at nabuo
Kami man ay nagiging kabado sa harapan
ninyo,
Alam ko nandyan kayo para gabayan ako
Di man ako kasing talino na gaya ng iba,
Hinubog mo ako para hindi ko maramdaman na
ako’y iba
May mga araw na mainit ang inyong mga ulo,
Pero alam naming gusto niyo lang kaming
matuto
Boses niyo’y nilalakasan para lang aming
maintindihan,
Bawat leksyon na aming natututonan dahil sa
inyong katiyagaan
Ilang oras na pagtayo ninyo sa aming harapan,
Para lang maibahagi ang inyong mga kalaman.
Bawat aming
nalalaman dahil sa inyong karangalan ,
kami.’y hinangaan sa katalinuhan sa
binabahagi niyong kaalaman.
Aking guro nagpapasalamat ako nang buong
puso,
Dahil sa inyo nahubog ko ang aking
pagkatao.
Mga turo ,glling at sipag na inalay ninyo,
Ay babaunin naming hanggang dulo dala ng
inyong mga turo.
PREPARED BY: GROUP 2
0 Comments